Netflix Engineer Na Pinay, Isa Sa Pinaka-magaling Na Babaeng Engineers Sa US!

Pinangalanan ng Business Insider ang 43 na pinaka-magaling ng babaeng engineers sa industriya kasabay sa pagdiriwang ng National Engineers Week sa US – at isa doon ay isang Pinay.

Si Anne Aaron na nagtatrabaho sa Netflix, at siya ang nakakuha sa ika-32 na pagkilala kasama ang ibang mga babaeng developers, designers, bio scientist, nuclear scientist, rocket scientist, at engineering directors.

Bilang isang director ng Video Algorithms sa Netflix, kasama sa trabaho ni Anne na masiguro ng 86 milyon na subscibers nila na mapanatili ang best quality ng mga video nila na mapapanood kahit nasaan man ang nanunood nito.

Read More: Lolong Kayang Magpaamo Ng Buwaya Nag Trending

image ctto
image ctto

Natapos ni Anne ang kanyang pag-aaral na isang Valedictorian at Magna Cum Laude sa Ateneo de Manila University. Kumuha siya ng Bachelor of Science in Physics (taong 1998) at Computer Engineering (taong 1999). Isang totoong blue Atenista.

At nakuha niya ang kanyang master degree at PH.D. in Electrical Engineering sa Stanford University.

Nagsimula siya sa Netflix noong 2011 bilang isang Senior Engineer at nagsimula siya sa baba hanggang marating ang antas niya ngayon.

Ipinalabas ang listahan ng mga babaeng engineer na nakakuha nga matataas na pagkilala para maipakita ang mga bagay na naaabot ng mga babae na maaaring humigit pa sa mga lalaki sa mundo ng teknolohiya.

Read More: Lolong Kayang Magpaamo Ng Buwaya Nag Trending

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s