Lolong Kayang Magpaamo Ng Buwaya Nag Trending

Alam ng lahat na isa ang buwaya sa pinakamabangis na uri ng hayop sa balat ng lupa. Pero maniniwala ka bang mayroong isang lolo na kayang paamuhin ang isang mabangis na buwaya?

Isa si Lolo Babay na hinahangaan ng mga residente sa Liguasan Marsh sa bahagi ng barangay Cuyapon sa Kabacan, North Cotabato. Dahil sa madali lang niyang nahuhuli at maigagapos ang buwaya at tila ba napapaamo daw nito ang mabangis na hayop.

Sinasabing halos 12-feet ang haba sa pinakahuling buwaya na nahuli ng nasabing Lolo. Pero maliban sa pinapakitang kakaibang talento ni Lolo, naibabahagi din niya ang mga mahahalagang impormasiyon sa mga nag-aaral tungkol sa mga pag-uugali ng iba’t ibang uri ng buwaya.

Ayon kay John Aries Tabora isang Professor, Crocodile Reseach-University of Southern Mindanao, ang dalawang buwaya na nahuli ni Lolo Babay ay mula sa magkakaibang uri – isang Philippine crocodile at isang Indo-Pacific crocodile, na nasa pangangalaga ngayon ng crocodile rescue center ng Philippine Army sa bayan ng Carmen.

Sinasabing ang Philippine crocodile ay isang uri ng buwaya na makikita sa mga tubig-tabang o freshwater, habang ang Indo-Pacific crocodile ay sa tubig-alat.

Ayon kay Prof. Tabora, dahil sa pagkakahuli ni Lolo Babay mga buwaya nagkaroon sila ng kauna-unahang dokumentasyon na maaaring magsama ang dalawang uri ng buyawa sa isang lugar.

“First time na documented na ang isang Philippine crocodile na makikita sa fresh water at salt water croc o Indo-Pacific croc ay magsama sa isang lugar,” aniya ni professor. “Dini-deny [dati] na maaaring magsama sa isang lugar [sa] Liguasan nakita sila, nakuha ang dalawa.


Read More: Ang sagot ni Yassi Pressman sa posibilidad na maging boyfriend niya si Coco Martin

VIA KMJS

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s